SUMIKIP ang dibdib ng mga fans ng dating aktres na si Neri Naig nang makita ito na nakaposas at pinagkakaguluhan ng mga tao habang ipinapasok sa Pasay City Jail.
Sa video ng GMA News ay makikita si Neri na naka-cap, face mask at nakasuot ng dilaw na t-shirt na may nakasulat na “BJMP Detainee” habang nakatago ng tuwalya ang mga kamay na nakaposas.
Ibinalik si Neri sa female dormitory ng Pasay City Jail matapos maudlot ang kanyang arraignment sa Pasay Regional Trial Court.
Ito ang unang beses na nakita ng publiko si Neri makaraang maaresto noong Sabado at makulong dahil sa patong-patong na kasong paglabag sa securities regulation code at syndicated estafa.
Awang-awa ang kanyang mga suporta nang makita ang kanyang kondisyon.
“I feel so distressed seeing you like that. Mananaig din ang katotohanan Ms Neri. Stay strong love you.”
“Kawawa naman sya for sure isa Ing din naman syang biktima ng mga taong mapanlinlang.”
“Stay strong Neri para sa mga anak mo. Sana mahuli na ang totoong maysala.”
“Kaylan man di mananaig ang kasamaan.. hindi ilalagay ni ms neri ang pangalan niya at name ng asawa niya sa khihiyan.. biktima. Ing siya. ung tunay na may sala bka nkatakas na.”
“Ang sakit sa puso, thinking about her kids praying for you Neri and your family.”
“Sana makapag pyansa sya magpapasko pa naman ang mga bata.”
“Be strong guys. Minsan sa sobrang bait ikaw pa ang naagrabyado.”