FAKE news! Ito ang nagkakaisang sigaw ng mga banda, singer at social media influencers na iniulat na magpe-perform sa campaign sortie nina Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. and Sara Duterte.
Kumalat online ang isang promo material na inanunsyong sasampa sa stage ng UniTeam sa Zamboanga City sa Abril ang Parokya ni Edgar, Kamikazee, IV of Spades, at sina Zack Tabudlo at CongTV kasama ang Team Payaman. Guest din sa event ang actress-TV host na si Toni Gonzaga.
Iginiit naman ng Parokya ni Edgar at Tabudio na isa itong kasinungalingan.
Ni-repost ng Parokya ni Edgar ang screenshot ng mismong page kung saan lumabas ang anunsyo at nilagyan ng caption na, “This is not true.”
“Awit peyk news na nga lang di pa magandang picture ginamit sakin,” ani Tabudio sa Facebook.
Ayon naman ni Allan Burdeos ng Kamikazee na wala silang alam sa nasabing gig.
“Never kami mag paparticipate sa kampanya na ito. MGA SINUNGALING. WE ARE NOT FOR SALE!” aniya.
Ganito rin halos ang sinabi ni Blaster Silonga, ng IV of Spades.
“Seryosong sagot. Kailangan hindi mangyayari ito, ngayon pa lang sinusunog ko na ang tulay,” giit niya.
Ni-repost din ni Vien Iligan, miyembro ng Team Payaman, ang promo material na nilagyan niya ng sticker na “FAKE NEWS.
“Habang isinusulat ang balitang ito ay burado ang orihinal na post ng isang Thunder Struck.