Paloma rape case–Ely BuendiaKLINARO ni Ely Buendia na hindi tungkol sa rape case ng sexy star na si Pepsi Paloma noong 1982 ang kantang “Spoliarium” ng kanyang bandang Eraserheads. Sa isang podcast, sinabi ni Buendia na tungkol sa paglalasing ang kanta na sumikat noong 1997.
Idinagdag niya na hindi rin sina Vic Sotto at Joey de Leon ang tinutukoy na “Enteng” at “Joey” sa nasabing awit kundi ang kanilang mga road manager noong panahon na iyon.
Bago ang paglilinaw ni Buendia, marami ang naniniwala na ang “Spoliarium” ay tungkol sa rape case ni Paloma kung saan nakasuhan pero napawalang-sala sina Sotto, de Leon at Richie d’Horsie.Nag-suicide si Paloma noong 1985.