Elijah Canlas, Miles Ocampo break na

WALANG paligoy-ligoy na inihayag ng aktor na si Elijah Canlas na break na sila ng aktres at E.A.T. host na si Miles Ocampo.

Pag-amin ng “Senior High” actor, ilang buwan na silang hiwalay ni Miles.

“We went through a rough patch recently mainly because we are going through our own stuff,” aniya.

“We are okay, we are not mad at each other… I’m always gonna have love for her and support her with what she does but right now we are taking our time figuring things out,” dagdag ng aktor.

Bago ito, naghinala ang netizens na may gusot sa relasyon ng dalawa dahil wala nang pino-post na update sa social media si Miles kay Elijah kahit naka-follow pa siya rito.