TODO-TANGGI si celebrity mom Andi Eigenmann sa mga chika na hindi masaya ang anak niyang si Ellie sa island life sa Siargao.
Paliwanag ni Andi, 10 years old lamang ang anak at ayaw nito na madalas na ibine-video siya kaya mukha itong galit palagi sa mga vlogs nila.
“Kasi ano, every time we’re doing a video, galit ka eh, galit? Di ba maraming judgmental, sinasabi nila na you’re not happy with your island life na raw kasi ano, every time you’re seen in the video, you’re galit. You’re masungit,” chika niya.
“What’s the explanation for that? It’s just because she’s 10 years old, guys, and most of the time she doesn’t like to get filmed, doesn’t like to get videoed, and that’s okay. Okay lang yun, hindi natin siya kailangan pilitin kapag ayaw niya,” dagdag niya.
Sa Siargao naninirahan sina Andi kasama ang partner na sina Philmar Alipayo at mga anak na sina Ellie, Lilo at Koa.