Dina Bonnevie umaming kinumpronta si Alex Gonzaga

BAGAMAT alam na ng lahat ang namagitang “awayan” nina Dina Bonnevie at Alex Gonzaga ilang taon na rin ang nakararaan, ngayon lang umamin nang husto ang batikang aktres na kinumpronta nga niya si Alex dahil sa hindi magandang working habits nito.

“There were other co-workers getting irked about ‘yung working habits niya. Gabby, Cheska Iñigo, si Nadine Lustre… we were all together and nobody had the strength or the audacity to come up to her and talk to her. So, okay ako ang magiging spokesperson,” sey niya.

“Sa akin Alex, Please kinakausap kita nang maayos. If you wanna stay long in this business, you cannot last kung ganyan ang attide mo. Palagi kang late, dito ka pa maliligo sa set and you know you cannot even memorize your lines, ‘di ka makaiyak,” dagdag pa niya.

Pinabulaanan naman niya ang pahayag ni Alex na pinagsisigawan siya nito.

“Hindi totoo na pinagsisigawan ko siya mula ulo hanggang paa kase ‘yung setting namin nasa simbahan.”

Naunang ibinahagi ni Alex na mayroong matandang artista ang pinagsisigawan siya sa set at tiningnan siya mula ulo hanggang paa.