Di po ako buntis–Alex Gonzaga

alex buntis

ITINANGGI ng actress/TV host/vlogger na si Alex Gonzaga ang mga haka-haka na siya ay buntis matapos siyang mag-tweet tungkol sa panibagong blessing na natanggap niya.


“Wow!!! Thank you Lord!!!! Today isn’t really an ordinary day!!! I got a big blessing today! Praise God! Claim mo talaga! (Claim it!)” tweet ni Alex.


Her fans naman surmised agad na on the family way siya.
“Baby na ba ‘yan?”
“Soon to be mother na ba?” Chika ni Alex, hindi baby ang na-receive niyang blessing, pero mum’s the word naman siya kung ano ito.


“Wooops. Sorry hindi pa po. Ibang blessing po sinasabi ko. Waking up every morning is already a blessing,” the actress said.


Kamakailan lang ay ikinasal si Alex kay Lipa City Councilor Mikee Morada.