Dennis Padilla 3 beses iniyakan si Julia Barreto

PAULIT-ULIT na iniyakan ng veteran comedian na si Dennis Padilla ang anak na si Julia Barretto.

Pero klinaro ni Dennis na hindi ito dahil sa sama ng loob dahil sa naputol nilang komunikasyon kundi dahil ipinagmamalaki niya ang anak sa bagong pelikula nito na “Un/Happy For You.”

“Dearest Juy, congrats again sa movie nyo ni Josh…3 times ako nanood at 3 times din ako umiyak. Galing nyong dalawa,” bahagi ng mensahe ni Dennis.