Dennis may collection ng magazine covers ni Julia: ‘I’m proud of her’

ISINALUBLIKO ng komedyanteng si Dennis Padilla ang koleksyon niya ng mga magazine na cover ang anak niyang si Julia Barretto, na apat na taon na niyang hindi nakakausap nang personal.

Sa panayam ni Julius Babao, sinabi ni Dennis na talagang sinasadya niya ang mga bookstore para bilhin ang mga magazine.

“Pag may lumalabas siyang magazine, bibili agad ako ng dalawang copy. Yung isang copy binubuksan ko, yung isang copy pine-preserve ko,” pagbibida ni Dennis.

“I’m proud of her. I’m proud to be the dad of Julia Barretto,” pahayag niya.

Ayon kay Dennis, ilang taon na niyang hindi nakakausap si Julia kaya nang minsan na mag-message ito sa kanya ay naiyak siya.

“The last time na nag-reply sa akin si Julia was… mag-one year na rin nung birthday ko tsaka nung Father’s Day. After ilang years, nakatanggap ako ng ‘Happy birthday, Pa.’ Tapos sumunod yung, ‘Happy Father’s Day, Pa.’ Ganun,” sabi niya.

“Oo, sobrang saya ko…Sa akin, malaking bagay talaga sa akin. Yung happiness na nadudulot nung maikling mga salita na yun, talagang tagos,” dugtong ng komedyante.

(Julius Babao/YouTube)

Para sa iba pang trending na balita, bumisita sa https://pinoypubliko.com)