PINAMAMADALI ng kampo ni Deniece Cornejo sa korte ang paglilipat kay host-actor Vhong Navarro sa Taguig City Jail mula sa National Bureau of Investigation detention facility.
Sa inihain niyang Manifestation with Urgent Motion sa Taguig City Regional Trial Court Branch 69, ipinunto ni Cornejo na sa city jail at hindi sa NBI dapat nakapiit si Navarro habang dinidinig ang mga kasong acts of lasciviousness at rape na isinampa niya rito.
“It is respectfully prayed that the instant Manifestation with Urgent Motion be resolved urgently, and that the Honorable Court issue and Order directing the proper officer of the National Bureau of Investigation Detention Center to immediately transfer the accused (Navarro), from the National Bureau of Investigation Detention Center to Taguig City Jail,” ani Cornejo sa petisyon.
“The rules of court provide that the arresting officer should bring the accused to the nearest police station or jail without unnecessary delay,” dagdag nito.
Matatandaang ikinulong sa NBI si Navarro matapos mag-isyu ang Taguig RTC Branch 69 ng warrant of arrest kaugnay sa reklamong panggagahasa na isinampa ni Deniece.
Naghain naman ng petition for bail ang abogado ng Navarro na si Atty. Alma Mallonga para pansamantalang paglaya nito.