TATLONG magkakahiwalay na reklamong cyber libel ang isinampa ng aktres na si Bea Alonzo laban sa mga showbiz columnist at host na sina Cristy Fermina at Ogie Diaz, kabilang na ang kanilang mga co-host at isang netizen na hindi pinangalanan.
Isinampa ng aktres ang reklamo sa Quezon City Prosecutors Office ngayong Huwebes, ayon sa mga ulat.
Ayon sa kampo ng aktres, isinampa nito ang reklamo dahil sa diumano’y “false, malicious, at damaging information” na ibinahagi nina Fermin at Diaza at kanilang mga co-host at isang hindi pinangalanang indibidwal.
“Naghain ng tatlong magkakahiwalay na criminal case for cyber libel si Bea Alonzo sa Quezon City Prosecutors Office,” ayon sa report ng showbiz journalist na si Nelson Canlas.
“Nakasaad sa complaint affidavit ni Bea na naging biktima siya ng mali, malisyoso at mga mapanirang impormasyon na mula sa nagpanggap na malapit sa kanya at inilathala at pinag usapan sa online shows nina Fermin at Diaz nang walang basehan.”
Kasama ni Alonso ang kanyang manager na si Shirley Kuan at abogadong si Joey Garcia nang magtungo ito sa tanggapan ng prosecutor.
Isa sa umano’y sinasabing maling ulat na ibinahagi ng mga inireklamo ay ang hindi nito pagbabayad ng tamang buwis.
Wala pang reaksyon ang mga inireklamo.