Cristy hindi raw aatrasan reklamo ni Dominic Roque

HAHARAPIN ni Cristy Fermin ang reklamong cyber libel na inihain sa kanya ni Dominic Roque nitong Biyernes.

Ito na ang ikaapat na reklamo na isinampa laban sa veteran showbiz columnist at host ngayong taon.

An Fermin sa mensaheng ipinadala sa mga TV network: “Karapatan ng sinuman na maghain ng reklamo laban kaninuman. May piskal namang huhusga sa asunto. Nandun ang laban, wala sa labas.”

Sa kanyang reklamong isinampa sa Makat Prosecutor’s Office, sinabi ni Dominic na maliyoso ang mga inihayag ni Fermin ukol sa kanya sa vlog nito.

Bukod kay.Dominic, inireklamo rin si Fermin ng cyber libel nina Bea Alonzo, mag-asawang Sharon Cuneta at Kiko Pangilinan, at Ester Lahbati, ina ng aktres na si Sarah Lahbati.