HINDI pinalagpas ng netizens ang on-cam na reaksyon nina Cristine Reyes at Sue Ramirez nang i-present nila ang Best Supporting Actor award kay Ruru Madrid sa katatapos na Metro Manila Film Festival 2024 Gabi ng Parangal.
Nang makita sa ang pangalan ng nagwagi, napanganga si Cristine na tila hindi makapaniwala sa nakasulat sa laman ng envelope habang tila nalungkot naman si Sue.
Bago pa nila ianunsyo ang nagwagi ay rinig na rinig ng audience ang komento ni Cristine na, “Kailangan si Sid to a.”
Nanalo si Ruru para sa pelikulang “Green Bones” at kabilang sa mga hindi pinalad sa award ay sina Jhong Hilario, Kokoy De Santos, David Ezra, at Sid Lucero.
Komento ng netizens:
“Okay lang ba si Cristine Reyes?!?”
“OMG how unprofessional!! I love Sid Lucero, pero magaling si Ruru sa GB.”
“Dalawang bitter spotted! Congrats Ruru Madrid! Best supporting actor.”
“Medyo bastos si Sue at Cristine while saying the nominees for Best supporting Actor. Lalo na sa Cast ng And the Bread winner Is.”
“Im disappointed. Walang class. Ang simple lang magbabasa lang hindi pa nagawa ng tama.”