INAMIN ng aktres na si Coleen Garcia na may mga araw na nadidismaya at napapagod siya sa pagpapa-breastfeed sa magdadalawang-taong-gulang na anak na si Amari.
Sa panayam ni Karen Davila, sinabi ng misis ni Billy Crawford na noong unang beses niyang pinadede ang anak ay tila “nahihigop ang buhay sa kanyang katawan.”
“I can’t go anywhere kasi hanggang ngayon gumigising-gising pa rin siya sa gabi…There are days na parang gusto ko na lang sumigaw in frustration and it’s very draining,” chika ni Coleen.
Pero, dagdag niya, isasakripisyo niya ang lahat para sa kanyang pamilya.
“I really feel like I’m living my ‘dream come true.’ It has always been one of my dreams and goals–even before I met Billy– kasi my parents are separated. I didn’t really grow up in the happiest childhood so it has always been my number one goal to have a family, be married, have children, and now I’m living it,” dagdag niya.
Plano naman niya na i-breastfeed pa ng isang taon si Amari.
“Para sa akin, breastfeeding is really the most selfless thing I’ve ever had to do,” ani Coleen.