Psychic: Kris hindi nakulam pero…

NANINIWALA ang tarot card reader na si Jovi Vargas na hindi nakulam ang Queen of All Media na si Kris Aquino.

Sa panayam ni Aiko Melendez, sinabi ni Vargas na dapat nang humanap ng lunas sa sakit ni Kris dahil bumibigay na ang katawan nito.

“Sakit naman talaga (at) hindi naman dahil sa kulam. Kailangan talagang makakita ng lunas sa sakit niya pero sa akin medyo bumibigay na ‘yung katawan niya,” ayon sa manghuhula.

“Lahat ng nagmamahal sa kaibigan naming si Kris, e, magdasal, malaking tulong ang dasal talaga saka kailangan niya talagang huwag magpa-stress, ‘yan ang pinakaimportante,” dagdag ni Vargas.

Pinayuhan din niya ang actress-TV host na umiwas muna sa mga intriga.

“Para sa akin mas tutukan na lang niya muna ‘yung health issue niya kaysa sa makialam pa siya sa mga isyu ng politics, sa showbiz,” sabi pa ng manghuhula.

Kasalukuyang nagpapagamot si Kris sa
Houston, Texas.