Chloe San Jose hindi kinuhang endorser ni Bea Alonzo

INAMIN ni Chloe San Jose na hindi siya kinuhang endorser ng Bash, ang luggage at travel organizer brand ng aktres na si Bea Alonzo.

Sa Facebook, sinagot ni Chloe ang isang fan na nagtatanong kung totoo bang kinontrata siya ni Bea na i-endorse ang bagong luggage line nito na AirBash.

Paliwanag ng girlfriend ni Carlos Yulo, naimbitahan lang siya sa launch ng nasabing produkto.

“They didn’t sign me as an endorser-I was just invited to attend their launch event, plain and simple,” sey ni Chloe.

Idinagdag ng dalaga na hindi niya kasama si Carlos sa nasabing event dahil abala ang gymnast sa ibang lakad.

“And just to clarify, Carlos wasn’t with me at the bash launch; he was off at his own event,” aniya.

Bago ito, lumabas ang mga bali-balita na itinanggi umano ni Shirley Kuan, manager ni Bea, na ieendorso ni Chloe ang Airbash.