Chito Miranda to the rescue sa misis na inaresto

DINIPENSAHAN ni Parokya Ni Edgar vocalist Chito Miranda ang kanyang misis na si Neri Naig na kamakailan ay inaresto dahil sa diumano’y paglabas a Securities Regulation Code at estafa.

Tiniyak ni Miranda na inosente ang misis sa ibinabatong akusasyon laban dito.

Ang pagdepensa ni Miranda ay tila kumpirmasyon sa pinaputok na balita ni Ogie Diaz sa kanyang vlog tungkol sa isang actress-businesswoman na inaresto dahil sa estafa at iba pang paglabg sa securities violation.

Sa mahabang post sa social media, sinabi ng singer na inosente ang misis at kailanman ay hindi ito nanloko.

“Praying na ma-sort out na ang lahat ng ito… kawawa naman yung asawa ko. Never nanloko si Neri, at never sya nanlamang sa kapwa. Never siyang kumuha or nanghingi ng pera kahit kanino man. Alam ng lahat yan. Tulong lang sya ng tulong hangga’t kaya nya. Minsan kahit di na nakakabuti sa kanya. Kadalasan nga, naaabuso na sya pero hinahayaan nya nalang, basta wala syang ginawang masama. Pinapa sa Diyos nya na lang,” pahayag ni Miranda sa post sa Instagram.

Idinetalye rin ng singer ang nangyari sa misis.

“Tulad ngayon, endorser lang sya tapos ginamit yung face nya to get investors. Kinasuhan sya ng mga nabiktima. Tapos last week, bigla na lang syang inaresto for the same case kahit hindi pa sya binigyan ng notice na may bagong criminal complaint pala laban sa kanya, and di nya na-defend yung sarili nya. Wala syang nareceive na letter from the prosecutor, walang subpoena, walang kahit anong notice. Yung mga dati, nareceive namin nya, at nag comply sya, (alam naman ng lahat na madali kami mahanap sa Alfonso),” dagdag pa nito.

Umaasa si Miranda na madidismis ang kaso laban sa asawa, lalo pa’t syndicated estafa ang isinampa rito, na isang non-bailable offense.

“Anyway, dinampot na lang sya bigla. Wala siyang kinuhang pera sa ibang tao, lahat ng pera nila na kay Chanda, ang may ari ng Dermacare. Sobrang bait po ni Neri… as in sooobra. Eto yung babaeng kinulong ninyo without bail, habang nakalaya pa yung mga tunay na may kasalanan,” anya na ang tinutukoy ay si Chanda Atienza na siyang nakaista sa Securities and Exchange Commission bilang chief operating officer ng isang derm clinic na Dermacare-Beyond Skincare Ventures, Inc.

Ayon sa SEC, nito pang Mayo sila nagsampa ng kaso laban sa kompanya dahil sa ilegal na investment schemes.