Cherie Gil na-cremate; labi dadalhin sa Bukidnon

NA-CREMATE na ang labi ni Cherie Gil at umuugong ang balita na dadalhin ito sa paboritong lugar ng legendary actress– ang kanyang farm sa Bukidnon.

Sa ulat, nagsama-sama ang mga anak ni Cherie na sina Jay, Raphael at Bianca at mga magulang ni Cherie na sina Rosemary Gil at Eddie Mesa para ipagdiwang ang buhay ng aktres.

Hindi naman naiulat kung nasa pamilya na ang abo ni Cherie.

Plano ng pamilya na iuwi sa Pilipinas ang labi ni Cherie at ilagak sa kanyang farm sa Bukidnon.

Sumakabilang-buhay si Cherie, 59, noong August 5 sa isang ospital sa New York dahil sa endometrial cancer.