KINORONAHAN si Fuschia Anne Ravena ng Bogo City, Cebu bilang kauna-unahang Miss International Queen Philippines.
Si Fuschia ang magiging representative ng Pilipinas sa Miss International Queen Pageant na gaganapin sa Thailand sa June 25.
Ang Miss International Queen ang pinakamalaking transgender women pageant sa mundo.
Tinalo ni Fuschia ang 25 iba pang kandidata, kabilang ang mga It’s Showtime Miss Q&A candidates na sina Lars Pacheco at Rui Mariano.
Sa post sa Instagram, nagpasalamat si Fuschia sa mga tumulong sa kanya na makuha ang korona.
“The past few weeks have been one of the most challenging phases in my life. Only a few people know what personal battles I have to go through going into the final stretch of the Miss International Queen Philippines pageant,” aniya.
It was a challenge to keep my focus but still, the show must go on and I have to put up a smile, stay strong and have faith in my creator,” dagdag ng beauty queen.