Carlos Yulo, Chloe San Jose magpapakasal na?

KUNG paniniwalaan ang showbiz columnist at host na si Cristy Fermin, nakatakda nang magpakasal sina Carlos Yulo at Chloe San Jose sa Melbourne, Australia.

Sa kanyang “Showbiz Now Na” vlog, isiniwalat ni Cristy na galing ang balita mula sa source niya na “hindi nanununog at nangunguryente.”

“Ako nu’ng marinig ko ‘yun…tama, matibay na kasi ang kanilang pundasyon. At heto lagi nating sinasabi ito, kung sino ‘yung nakasama natin sa dilim na nag-abot ng kahit isang kandila, ‘yun ang ating mamahalin,” ani Cristy.

Maliban sa kasal, nakaplano na rin kung saan ii-invest ng dalawa ang milyon-milyong premyo na natanggap ni Yulo.

“Sa food chain, malaking food chain,” wika ni Fermin.