Caloy, Chloe lalabas na kontrabida sa Angelica Yulo biopic?

NANINIWALA ang netizens na sakaling matuloy na gawing pelikula ang buhay ni Angelica Yulo ay lalabas na kontrabida ang anak niyang si two-time Olympic gold medalist Carlos Yulo at girlfriend nitong si Chloe San Jose.

Nitong Linggo ay naiulat dito sa PUBLIKO na isang mayamang negosyante ang susugal para gawing pelikula ang buhay ni Angelica.

Bagamat marami ang bukas sa ideya ng biopic, may ilang netizens ang nangangamba na baka maging kontrabida rito ang magkasintahang Carlos at Chloe.

“Di ko alam kung sino magiging kawawa sa knila ng anak nya. Basta ang sure ako dahil kwento nya yan sya ang bida, syempre sya ang aping api.”

“Sure na ako sino kontrabida sa pilikula na yan.”

“Hala lalabas kontra bida si Caloy at Chloe.”

“Kung ako sya di ako papayag, delikadesa na lang kumbaga.”

“Kawawa ang gaganap na Caloy at Chloe.”

“Syempre kwento niya masusunod.”

Kaugnay nito, lumutang ang mga pangalan nina AiAi delas Alas, Sylvia Sanchez at Cherry Pie Picache na perfect para umano sa role.