BTS excited nang bumalik ng PH

ABOT-abot ang pasalamat ng mga miyembro ng South Korean supergroup na BTS sa patuloy na pagsuporta ng mga Pilipino at sinabing excited na silang makabalik ng bansa para makita ang mga Pinoy ARMYs.

Sa interview para sa launch ng kanilang commercial para sa Smart Communications, sinabi ni RM na, “I’d like to visit again as soon as possible to hear the cheers of ARMY in the Philippines.”

Inalala rin niya ang mainit na pagsalubong sa kanila ng mga Pilipino tuwing magko-concert sila rito noon.

“Philippines can’t be left out for Southeast Asia tour,” sabi ni J-Hope na gusto na uling makatikim ng pagkaing-Pinoy.

Ayon kay Jimin, marami silang fans mula sa Pilipinas na nagpapadala sa kanila ng messages sa social media.

Gusto naman umanong magbakasyon sa bansa ni Jin habang sinabi ni Suga na nanonood siya ng Pinoy basketball.

“I heard that there are a lot of ARMY in the Philippines, I’d like to see you as soon as possible,” sabi naman ni V.

Nag-thank you rin si Jungkook sa mga Pinoy ARMYs na kahit malayo sila ay nanatiling loyal ang mga ito sa grupo.