Boobs, bonggang ilong, regalo ni Kiray sa utol na trans

NAGING emosyonal ang komedyanang si Kiray Celis nang makita ang transformation ng kapatid na isang transwoman.

Ipinost ni Kiray sa Instagram ang video ng pagsalang ng kanyang kapatid na si Jhopay sa breast enhancement at rhinoplasty na regalo niya rito.

Sa umpisa ng video ay makikita si Kiray na nakahiga sa kama na tila siya ang magpaparetoke.

Kinalaunan ay isiniwalat ni Kiray na hindi siya kundi ang kapatid na si Jhopay ang gagawan ng mga enhancements.

Ayon kay Kiray, matagal nang pangarap ng kapatid na “maging babae.”

“I’m happy for her,” aniya.

Dagdag ng komedyana, marami pang magiging pagbabago ang kapatid dahil sasailalim pa ito sa iba pang enhancement procedures kapag gumaling na ang ilong at dibdib nito.

“Hindi ko na siya kamukha. Ang lala na niya,” chika ni Kiray.