BFF ni Andrea naokray sa dami ng namamalimos

NAWINDANG si Bea Borres, ang social media personality na BFF ng aktres na si Andrea Brillantes, sa isang netizen na hinihingian siya ng perang pampagawa ng bahay.

Sa Facebook, ibinahagi ni Bea ang screen shot ng mensahe sa kanya ng isang netizen na gustong magkaroon ng house and lot.

Bahagi ng mensahe ng netizen: “How many likes po ang gusto nyo para matulungan nyo ako makapagpatayo ng sariling bahay para po sa magulang ko po?…Kahit konti lang po para makabili ng materials po may kulang pa po kase sa lupa.”

Ani Bea, ang nasabing request ang “pinakamalala” sa mga natanggap niyang panglilimos.

“So there’s this TikTok trend that’s been going around and I already chose a winner but I’ve still been getting so much dms and I think eto na ata yung pinaka malala grabe!!” hirit ng dalaga.

“Grabe kahit pang pagawa ng house linilimos nyo na I cant…getting out of hand,” dagdag niya.

Ayon kay Bea, hindi siya madamot sa pagse-share ng blessings. “Ako, I try to help as much as I can pero wag po sana tayo maging abusado :(( Nakakasad lang na ganto ang mindset ng iba, manlimos!” sambit niya.

Pahayag ni Bea, bukod sa house and lot ay marami pang inililimos sa kanya ang mga netizens.

“Hay nko if nakita niyo lang dms ko andami nanghihingi ng damit, iPhone,  pera at kung ano ano pa pero hindi naman naka follow at hindi naman true supporter. Nakaka disappoint,” sabi niya.