INALMAHAN ni Bea Borres, ang content creator na BFF ni Andrea Brillantes, ang netizen na tinawag siyang social climber dahil sa pag-asta niyang mayaman pero nakatira lang naman umano sa condominium ng SMDC.
Sa isa sa mga Facebook post ni Bea, nagpatutsada ang basher na inilarawan siya na “napakaarte.”
“Apakaarte pilit na pilit ang pagka conyo… sa sm lang naman naka condo,” talak ng netizen.
Hindi naman ito pinalagpas ni Bea at pinagsabihan ang matapobreng commenter.
“The condos my dad bought for my siblings and me weren’t meant for us to live in. They were purchased to be rented out so we could have passive income. At the time he invested in them, it was the newest building in Katipunan,” paliwanag niya.
“Honestly, I’d rather live in an ‘SM lang: condo and mind my own life than be a 40+ year-old bashing a student for vlogging. God bless you,” sabi pa ni Bea.
Ayon sa YouTuber, dededmahin na lang sana niya ang panlalait ng netizen pero “It’s kinda disappointing noh na may people na like this parin ang mindset.”