Belle muntik mag-walk out sa taping

ISINIWALAT ni Donny Pangilinan na muntik nang layasan ng ka-loveteam niyang si Belle Mariano ang taping ng kanilang teleserye na  “Can’t Buy Me Love.”

Ginawa ni Donny ang rebelesyon kalakip ang maiksing video na ipinost niya sa Facebook.

Kuwento ng aktor, kuha ang eksena nila ni Belle sa loob ng aparador kung saan gagapangan sila ng ipis.

Noong una ay sinabihan sila na pekeng ipis ang gagamitin na prop.

Pero nang totoong ipis ang ginamit ay biglang kumaripas palabas ng aparador si Belle.

“Nag-walkout siya in a good way. Alam naman nila na takot siya [sa ipis],” wika ni Donny.