Bea wala pang ipinalit kay Dominic

ITINANGGI ng aktres na si Bea Alonzo na may bago na siyang boyfriend.

Sa Instagram, shinare ng isang Bea fan page ang video na ini-interview ang aktres ng mga reporter.

Tinanong siya kung handa na ba siyang ma-in love uli.  Hindi ito sinagot ni Bea pero sinabi niya na, “I’m very single.”

Matatandaang itsinika ng showbiz insider na si  Ogie Diaz sa kanyang vlog na isang source ang nagparating sa kanya na may bagong boyfriend si Bea.

“How true na may bago nang boyfriend si Bea Alonzo?” aniya.

“That’s good news! Ibig sabihin, naka-move on na si Bea (kay Dominic Roque) kasi mayroon na siyang bagong boyfriend. Ni hindi nga natin nabalitaan noong kasagsagan ng panliligaw. Ang nakarating lang sa akin,  mayroon na siyang bagong boyfriend,”  dagdag ni Ogie.

Ayon pa sa nasagap ng talent manager-vlogger, non-showbiz ang bagong nagpapatibok sa puso ng aktres. “Parang half-Pinoy, half-foreigner,” sey niya.