Bea Alonzo nakikipagmomol sa kotse

INAMIN ng aktres na si Bea Alonzo na nakikipagmomol siya sa loob ng kanyang sasakyan.


Sa vlog, naglaro si Bea at ang kanyang ina ng “Never I have Ever Challenge.”


Isa sa mga statement ang “Never have I ever na nakipaglambuchingan o makipag-‘make out’ sa loob ng kotse.”


“Ay never, kahit ganito naman hitsura ko,” sagot ni Mary Anne Ranollo, ina ni Bea.


“Oo, ako I have sa car,” pambubuking ni Bea sa sarili.


“Oh my God, Bea Alonzo!” reaksyon naman ng kanyang ina.


Kamakailan ay inamin ni Bea na nagde-date sila ng aktor na si Dominic Roque.