BB Gandanghari kinabahan kay Pacman

Ano ang naging pakiramdam mo nang makaharap mo ang taong nagsabi na masahol pa sa hayop ang mga miyembro ng LBTQ+ community?


Ito ang tanong na ipinukol kay BB Gandanghari ng netizen makaraan niyang bisitahin sa Los Angeles ang boxing champion/senador.


Ani BB, nag-alala siya noong una dahil batid niya na kontra sa mga katulad niya si Pacquiao.


“I had my second thoughts of going. I was scared of course, to just even feel that I’m being discriminated by the Pacman,” aniya.
Pero inihayag ni BB na wala siyang naramdaman na disgusto mula sa senador.


“I’ve got the best treatment from Manny Pacquiao and the whole Team Pacquiao the moment he knew I arrived in his house” aniya.


Kaya naniniwala si BB na mabuting tao si Pacquiao.


“Sometimes actions speak louder than words,” aniya pa.


Sa Instagram, ipinost ni BB ang mga larawang kuha nila ni Pacquiao.


Sabi niya sa caption: “In good company..it was indeed a pleasure to meet..and in fact share a meal with you, Senator Manny Pacquiao. Your humbleness strike me the most.”


“Give us a good fight champ. You always do, reason why you’re the greatest boxer the Philippines has produced. Simply world class or should I say a class of your own,” dagdag pa ng kapatid ni Robin Padilla.