HINAHANAP ng aktres at social media personality na si Ivana Alawi ang batang artist na ipininta ang kanyang portrait sa sidewalk.
Sa Instagram, ipinost ni Ivana ang screen shots mula sa viral video kung saan makikita ang bata na ipinipinta ang mukha ng aktres gamit ang chalk.
Ayon kay Ivana, hanga siya sa talent at dedication ng bagets kaya gusto niyang personal na magpasalamat dito.
“Sino siya? Ano name niya? Gusto ko siya bigyan ng phone,” aniya.
Noong nakaraang taon, hinanting ni Ivana ang content creator na naglagay ng sign sa pader na “Bawal umihi rito. Si Ivana Alawi lang ang pwede.”
Natunton naman ni Ivana ang pader at ang nasa likod ng babala na si “Armando” na binigyan niya ng P50,000 cash.