TODO-TODO pasalamat ng aktor na si Baron Geisler sa Panginoon dahil nakabalik siya sa show biz sa pamamagitan ng Netflix movie na “Doll House.”
Sa YouTube video, nagpasalamat din siya sa publiko sa pagbibigay sa kanya ng ikalawang pagkakataon.
“Kung hindi po dahil sa inyong pagmamahal at suporta ay hindi po namin maaabot ito.
“In-orchestrate po ito ni Abba Father Jesus. I praise Him and I’m pointing all the glory, honor and praise back to the cross.
“Ang dami nagsasabi na ‘Baron, best actor, pang-award ito’. Pero actually ang pinaka-award and reward is the embrace of our Kabayans here and abroad.
“I’ve had so many accolades, awards na rin before pero hindi po kagaya nito kasi award? Object lang ‘yan eh. Pero ‘yung love and support galing sa mga tao, that’s just priceless. Hindi nabibili and I’m grateful.
“Hindi siya tagos sa utak, hindi nakakalaki ng ulo. Nakaka-humble pa nga eh. Mas tagos sa puso.
“Hindi ko akalain na makakabalik but dahil kay God, you know, He truly is a God of second chances.
“For me this film is about redemption, forgiveness and then second chances, second wind.
“Itong movie na ito nagbukas ng heart strings, ng mga puso ng mga tao para ma-realize nila na kailangan pagbigyan ang ibang tao na magkaroon ng second, third, fourth chances. Specially with people with addiction.
“Kung hindi po natin sila maintindihan ay mahalin, tulungan na lang po natin sila. I’m one of them kasi. So never give up on people.
“Kung si God nga hindi naggi-give up, di ba?”