ISA sa mga kampo na natuwa sa hiwalayan nina Barbie Forteza at Jak Roberto ay ang mga shippers ng aktres at kanyang ka-love team na si David Licauco.
Sa X/Twitter ay nag-trending ang #BarDa, ang tambalan nina Barbie at David, ilang oras makaraang ianunsyo sa Instagram ang hiwalayan.
Nabuo ang loveteam nina Barbie at David sa teleseryeng “Maria Clara at Ibarra.”
Chika ng mga “BarDa” fans:
“Legal, moral, and ethical na ba kiligin sa BarDa bilang single na sila pareho?”
‘Hiwalay na sila! May chance na sila ni David! Lezzgo BarDa.”
“Nasa-sad ako para sa JakBie pero happy naman ako para sa BarDa OMG.”
“Ipagpatawad niyo Panginoon ngunit may bahagi sa puso ko ang nagdidiwang ngayon. Mahilig kasi talaga ako sa mga tambalang may chansang magkatuluyan sa totoong buhay kaya heto, nais ko nang panoorin ang pelikula nila.”
“Finally single na si Barbie single na rin si David! Maybe BarDa talaga ang para sa isat isa.”