Barbie imbyerna sa isyung nabuntis ni Richard

HUMINGI ng tulong sa kanyang mga fans at kababayang Bicolano na i-report ang isang Facebook page na ikinakalat na nabuntis siya ng aktor na si Richard Gutierrez.

Ayon kay Barbie, puro fake news ang inilalabas ng FB page na Showbizfinds kaya dapat itong isara.

Sa nasabing item, pinalalabas ng nasabing FB page na umamin siya kay Boy Abunda na magkaka-baby na sila ng rumored boyfriend.

Sa post, makikita ang photo nina Boy at Barbie na mayroong caption na, “Barbie Imperial UMAMING BUNTIS sa Unang pagkakataon! Richard Gutierrez TATAY NA!”

Pinasinungalingan naman ito ng aktres.

“This page is posting lies and things that I never said. Please report. Report Showbizfinds. Mga oragon patabang pls.,” pakiusap ni Barbie.

Dagdag niya lahat ng magre-report sa nasabing FB page ay magkaka-jowa.

“Ang magreport kayan magayon buda gwapo yieee,” sey pa niya.