Barbie hindi kayang magwaldas para kay Taylor Swift

KAHIT die-hard fan siya ng American pop star na si Taylor Swift, hindi maatim ng aktres na si Barbie Forteza na gumastos nang bongga para manood ng concert nito sa ibang bansa.

Sa isang panayam, inamin ni Barbie na gusto niyang manood ng “Eras Tour” concert ni Taylor pero mas marami siyang gastos sa kasalukuyan.

“Kasi para sa akin, ito po ay sa akin lamang, I just feel like it is a splurge for me,” ayon sa aktres.

“Sabi ko sa sarili ko, if magpe-perform siya sa dito sa Pilipinas, I will definitely watch it,” dagdag niya.

“But to have to spend for a flight, accommodation, and siyempre to maximize your time to wherever she’s performing, parang it’s too much of a splurge, especially I’m coming from just finishing a house,” paliwanag niya.

Umaasa naman si Barbie na balang-araw ay makikita rin niya ang kanyang idolo.

“So, parang kasi if it’s just for that, I’d rather spend it for something else. Feeling ko naman magpe-perform siya ulit soon,” sambit pa ng Kapuso actress.