Bahay ni Anthony Jennings sa probinsiya viral

MARAMI ang nakisimpatiya sa Kapamilya actor na si Anthony Jennings nang makita ang bahay na tinitirahan niya sa Negros Occidental.

Kamakailan ay ibinandera ng Bombo Radyo Bacolod ang mga larawan ng bahay ni Anthony, kung saan tanging lolo at lola lamang ang kasama niya, na matatagpuan sa Brgy. Mambugsay, Cauayan.

Inilabas ng radio station ang mga photos noong kasagsagan ng cheating issue na kinasasangkutan ni Anthony at ka-love team na si Maris Racal.

Agad namang kinuwestiyon ng tiyahin ng aktor ang motibo sa pagpapakalat sa mga larawan.

Naniniwala ang tiyahin ni Anthony na si Merilyn Ola na hinihiya ang kanyang pamangkin sa pagiging mahirap nito.

“Te ano buot nyo hambalon ??kay amo na ang balay !?.wala na namon ginakahuya ang amon balay!.pero ano na gnadugangn nyo ang kahihiyan namon??,pigado lang kami pero halin sa legal at pinaghirapan namon ang amon ginakaon!.masakit saamon ang natabo sa hinablos namon dugangan nyo pa!!.te ano na kron Ky gn post nyo na?mabulig kamo patapos sina???” lahad ni Merilyn.

Gayunman, marami ang naniniwala na dapat bigyan ng ikalawang pagkakataon si Anthony para maiangat niya ang buhay niya at ng kanyang pamilya.

“Let us be kind to give him a chance to continue with his career for the sake of his family.”

“Second chance for Anthony Jennings.”

“Second chance para sa kanya magbabago yan bata pa eh alam nyo madami din akong ginawang mali nung bata ako.”

“We all make mistakes kaya bigyan natin siya ng 2nd chance at ganon din si  Anthony Jennings.”