Awra Briguela balik-eskwela dahil kay Vice Ganda

INAMIN ng kontrobersyal na komedyanteng si Awra Briguela na isa si Vice Ganda sa mga dahilan kung bakit bumalik siya sa pag-aaral.

Sa kanyang pagdalaw sa “It’s Showtime” nitong Lunes, sinabi ni Awra na tahimik na ang kanyang buhay mula nang magdesisyong ipagpatuloy ang kanyang senior high school sa University of the East sa Manila.

“Thank you so much, Meme. Ikaw din ‘yong isa sa naging malaking parte kung bakit ako bumalik sa pag-aaral,” chika ni Awra.

“Kasi sa kanya ko lang po narinig ‘yong salitang ‘I believe in you’,” dagdag niya. “So, talagang pinush ko po talaga. And this time po, I’m doing really really better from myself this time.”

Pinunto rin ng komedyante na gusto niyang bumawi sa sarili makaraang masangkot sa iskandalo noong isang taon.

“Gusto ko pong bumawi talaga sa sarili ko; sa mga bagay na hindi ko deserve. And this time, ayaw ko na pong ma-disappoint ‘yung mga taong totoong nagtitiwala at nagmamahal sa akin,” sabi ni Awra.