DEDMA na sa damit ang mag-asawang Troy Montero at Aubrey Miles kapag nasa hotel room na sila tuwing magta-travel.
Sa “Fast Talk with Boy Abunda,” shinare ni Troy sa publiko na ginagawa nila ito kapag wala silang ibang kasama sa kuwarto.
“Whenever we travel, of course kapag kaming dalawa lang, we’re always naked sa hotel,” sey ni Troy.
Hirit ni Aubrey: “Kapag walang bata, oo.”
“Hindi kasi kami nagdadala ng pangtulog kasi natutulog kami naked. Or kung merong robe, kasi may robe naman. Kapag wala, e, di wala,” dagdag niya.
“Natutulog kami na nakahubad Normal lang. Even sa bathroom, we talk, nakahubad, nag-uusap,” sey pa ng aktres.