Atasha kapalit ni Kathryn kay Daniel?

NANINIWALA ang mga fans na magiging love team to beat kung ipapareha si Daniel Padilla sa Pinoy showbiz royalty na si Atasha Muhlach.

Si Atasha ay anak nina Aga Muhlach at Charlene Gonzalez.

Ayon sa mga supporters ni DJ, malakas ang karisma ni Atasha at naniniwala sila na mas bibilis ang pagsikat nito kung magiging ka-love team ang dating boyfriend ni Kathryn Bernardo.

Dagdag nila, bagay ang personalidad nina Daniel at Atasha.

“ShaNiel lang ang malakas.”

“Oo sana inaabangan namin yan.”

“Sana ligawan niya dahil bagay na bagay talaga cla.”

“Sana true.”

“Derek cathy… nanawagan kmi…gawin na ang tambalang shanie.”