Arjo sa balitang Maine-Alden kasal na: Wala ako paki d’yan

UNBOTHERED ang actor-politician na si Arjo Atayde sa kumakalat na tsismis na matagal nang ikinasal ang fiancee niyang si Maine Mendoza sa ka-love team nitong si Alden Richards.

Sey ni Arjo: “Wala na akong pakialam diyan. Ang dami kong problema sa District One, di ko na iyan pinapansin. So much better things to do, and life is moving on.”

Samantala, pribado ang gustong kasal ng kongresista sa kanyang kasintahan.

We want it to be personal, the wedding. Pero yun, definitely we’re getting married, I’m very excited. I can’t wait to marry her… I think we’re growing together. I’m enjoying the journey,” sambit pa niya.