MAY pa-concert ang dalawang natitirang miyembro ng Apo Hiking Society.
Sa kanyang post sa Facebook, sinabi ni Jim Paredes na siya at si Boboy Garrovillo ay magkaka-concert sa Disyembre 18 at 19 sa Muntinlupa City.
“Excited and nervous to do this,” ayon kay Paredes.
“As per venue rules, there will be no advanced ticket selling. There is only gate entrance on the day of the show. All seats are first come, first serve, no reservations,” dagdag pa ni Paredes.
Gagawin ang concert isang buwan matapos pumanaw ang ikatlong miyembro ng AHS na si Danny Javier noong Oktubre sa edad na 75.