Patay sa lindol sa Indonesia umakyat na sa mahigit 250

UMABOT na sa 252 ang bilang ng mga nasawi sa malakas na lindol na tumama bayan ng Cianjur sa western Java, Indonesia.

Ayon sa mga otoridad, may 31 tao ang nawawala habang 377 naman ang nasugatan.

Umabot na rin sa mahigit 7,000 katao ang nawalan ng kanilang tirahan.

Patuloy naman ang isinasagawang rescue operation upang maisalba pa ang mga taong nabaon sa mga gumuhong gusali matapos yanigin ng 5.6 magnitude na lindol ang West Java province nitong Lunes.