Angel Locsin karamay ni Kris Aquino sa ospital

MAY pa-shout out si Kris Aquino sa kanyang kaibigan na si Angel Locsin na sinamahan siya ng sumailalim siya sa ilang medical procedures sa Saint Luke’s Medical Center sa BGC, Taguig kamailan.

Ipinost ni Kris sa Instagram ang ilang photos niya na kasama si Angel bago at matapos sumalang sa procedures gaya ng positron emission tomography (PET) scan, computerized tomography (CT) scan, upper endoscopy, electrocardiogram (ECG) at 2D echo tests, at bone marrow aspiration for biopsy.

Tinawag pa ni Kris si Angel na “stage mother” dahil sa pag-aasikaso at pag-aalaga nito sa kanya at sa kanyang mga anak.

“Thank you to my friend, the lovable feeling both ‘stage mother’ and main character in Grey’s Anatomy to both kuya Josh (and) me, Angel (Locsin) Arce,” ayon sa Queen of All Media.