KINAIINGITAN ng netizens ang anak nina Vicki Belo at Hayden Kho na si Scarlet Snow dahil sa mga Christmas gifts na ibibigay niya sa mga kaibigan.
Sa Instagram post ay makikita si Scarlet Snow na nilalagyan ng tag ang sangkaterbang regalo.
Karamihan sa mga regalo ay mula sa mga luxury brands na Hermes, Dolce and Gabbana, at Loewe.
“My most favorite of the year – Christmas! I can’t wait to send these gifts to our friends. I hope they like what we carefully chose for each of them,” caption niya.
Inihayag naman ng bagets na mayroon ding regalo ang mga batang mahihirap na walang damit at sapatos sa Pasko.
“We promise not to forget them,” sabi ni Scarlet Snow.
“My parents also get involved in all our charitable works for the less fortunate esp our family’s advocacy right start,” dugtong niya.