Anak ni Ogie Alcasid nurse na

FLINEX ng singer-TV host na si Ogie Alcasid na nagtapos ng Nursing ang bunsong anak nila ng ex-wife na si Michelle Van Eimeren sa Australia.

Ipinost ni Ogie sa Instagram ang graduation photos ni Sarah na natanggap ang degree sa University of Notre Dame Australia.

Si Sarah ang isa sa dalawang anak nina Ogie at Michelle.

“Anak, i am so proud of you!!! @sarahalcasid now has a bachelor of nursing degree!! Hallelujah!!!” ani Ogie sa caption

“So excited to see you and the fambam in a few days!!! Love you!!! Ty @michellevaneimeren for the pic,” dagdag ng singer-songwriter.

Sa isang panayam, sinabi ni Ogie na lilipad siya sa Australia para makasama ang mga anak.

Ayon kay Ogie, sabay-sabay na gaga-graduate ngayong buwan ang mga anak.

 “Actually, tatlo silang ga-graduate. Si Nate nag-graduate ng grade school, si Leila (eldest daughter nila ni Michelle), nag-graduate ng college, si Sarah rin. So triple celebration,” sey ng “It’s Showtime” host.