VIRAL ang photo ni Jake Ejercito, anak ni dating Pangulong Joseph Estrada, na ikinakampanya si presidential candidate Vice President Leni Robredo.
Naging takaw-atensyon ang post ni Jake sa Facebook dahil kasama niya sa picture ang anak na si Ellie Eigenmann at sa caption nito na, “Para kay Ellie. Para sa bansa.”
Mayroon din itong hashtags na “KulayRosasAngBukas” at “AngatBuhayLahat” na may kaugnayan kay Robredo.
Idinagdag ni Jake na bukas sa sinoman ang kanyang post pero “ill-mannered comments will be deleted.”
“Everybody’s welcome here! Ok lang kung hindi tayo pare-pareho ng sinusuportahang kandidato, but let’s treat one another with kindness and respect. Below the belt comments will be deleted. Thanks!” dagdag niya.