Almoranas ni Herlene pinagaling ni Doc Willie: Mahal ka namin, magpagaling ka

ISA si Kapuso actress Herlene Budol sa maraming Pilipino na nagdarasal sa agarang paggaling ni Dr. Willie Ong na ngayon ay nakikipaglaban sa abdominal cancer.

Sa isang TikTok video, sinabi ni Herlene na nabigla at nalungkot siya nang mabalitaan ang kondisyon ni Ong.

“Shout out nga pala kay Doc Willie Ong na mayroong sakit ngayon. Lord, pagalingin niyo po siya dahil marami po kaming mga sakitin na umaasa sa kanya,” chika niya.

“Bawal kang manghina dahil ikaw ang first aid namin.”

Ayon sa Kapuso actress, gumaling ang kanyang almoranas dahil sa mga payo ng tinaguriang Doktor ng Bayan.

“Noong nagkaroon ako ng sakit na almoranas, talagang araw-araw tumat*e ako ng dugo at talagang namumulaklak na ‘yung butas ng puw*t ko dahil sa sobrang stress ko, ikaw lang ang pinanood kong video,” sabi niya.

“Ang sabi mo pa nga doon na kumain lang ng mga letter P na prutas, magiging smooth yung pagt*e ko, aba effective nga,” dagdag ni Herlene.

Wika pa ng aktres: “Lahat din ng nararamdaman ko sa katawan ko, ikaw lang ang pinapanood kong video, mapa-gout, hika, at masakit ang ulo. Kaya Doc kung napapanood mo ito, sana maging motivation mo kaming mga taong umaasa sa iyo.”

“Mahal ka namin, magpagaling ka, dahil ikaw lang sapat na!” mensahe pa ni Herlene kay Ong.