Alex Gonzaga nasa-‘swab test’ gabi-gabi: ‘Sobrang sarap makasal sa totoo lang’

NALOKA ang mga fans ni TV host-actress Alex Gonzaga nang ibuking nito na aktibong-aktibo ang sex life niya at ng asawang si Mikee Morada.


Sa vlog ng dermatologist to the stars na si Vicki Belo, ini-reveal ni Alex na nage-enjoy siya sa pagiging married.


“Sobrang sarap makasal, sa totoo lang. Kasi every night, there’s swab test,” aniya.


Nagulat naman si Vicki sa nadinig. “Hoy sa ilong ‘yung swab. Ibang swab yata iniisip mo!” aniya.


“Ibang swab talaga ‘yung ginagawa namin. Pero talagang positive, negative, talagang positive pa rin,” sagot naman ni Alex.


Sa kasalukuyan ay wala pa umano silang planong magkaanak ng kanyang hubby, sey ni Alex.


“Kasi ini-enjoy pa lang namin yung isa’t isa. (Pero) kung kailan ibigay ni Lord kasi wala naman kaming contraceptive. Minsan tinatamad ako!” paliwanag niya.