Alden binakuran si Kath; fans hati reaksyon

MARAMI ang kinilig sa pagdating ni Kapuso actor Alden Richards sa surprise birthday party para sa kanyang “Hello, Love, Goodbye” co-star na si Kathryn Bernardo.

Sa mga kumakalat na video na kuha sa party, makikita si Kath na napatayo habang kumakain nang makitang dumating si Alden na may dalang bouquet of red roses.

Paglapit niya ay hinagkan siya ni Alden sa pisngi.

Mapapanood dn ang dalawa na nagse-selfie bago kinabig at niyakap ni Alden ang aktres.

Marami ang nagsabi na mayroong spark ang dalawa kaya pabor sila sa tambalan o kahit pa sa totoong buhay.

“Not the Kathniel nor the Aldub vibes but these 2 really have some magic.”

“Sobrang close nila Yoko mag delulu pero bat kayo ganyan KathDen.”

“Kath seems to be comfortable around alden.”

“Di pa ba sila? Sobrang yakap naman ni alden. Di naman ganyan sa ibang babae yan. Puro alalay lang sya sa ibang babae. Wala pa bang aaminin?”

“Pero sa true, sobrang bagay nila. Parehas silang napaka genuine na tao and that, they deserve to be happy.”

May iilan naman na hindi nagustuhan ang pagpapakilig ni Alden kay Kath.

“I don’t like him for her… red flag yarn e.”

“Is this to benefit his career?”

“Kathryn please. You know better!!!! Wag ka pagamit unless you wanna be a carmina 2.0.”

“Kathryn you deserve better. Pls not alden.”