INARESTO ang veteran actor na si Dindo Arroyo sa Biñan City, Laguna nitong Martes dahil sa kasong paglabag sa cybercrime law.
Dinakip ng mga otoridad ang aktor, Conrado Manuel Ambrosio II sa totoong buhay, 61, sa bisa ng arrest warrant na inisyu ni Judge Rosauro Angelito Sicat David ng Santa Rosa Regional Trial Court Branch 101.
Sinampahan si Arroyo ng dalawang counts ng paglabag sa Cybercrime Prevention Act of 2012.
Inirekomenda naman ng huwes ang P20,000 piyansa para sa kalayaan ng aktor.
Wala nang ibang detalyeng binanggit ang pulisya sa kaso ni Arroyo, na ngayon ay nakadetine sa Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) sa Biñan City.
Huling napanood ang aktor sa ABS-CBN teleseye na “FPJ’s Ang Probinsyano.”