RESPETO lang ang susi para hindi masira ang pagkakaibigan dahil lang sa politika.
Ito ang sinabi ni Quezon City councilor candidate Aiko Melendez hinggil sa gitna ng matinding politika na nangyayari sa bansa na kadalasan ay nauuwi sa pagkakawatak-watak ng magkakaibigan.
Ayon sa aktres, kailangang lamang na respetuhin ng isa’t isa ang kani-kanilang mga pananaw at opinyon.
Aniya, hindi katanggap tanggap na masisira ang pagkakaibigan at samahan dahil magkaiba ang pananaw ng mga ito.
“Hays…. Kahit sino naman ang maupo or supportahan naten o manalo man o hindi ang manok naten, titigil ba tayo sa kakareklamo? Hindi di ba?” post ni Aiko sa Instagram.
“Kaya me electoral process so we could exercise our right to vote and choose wisely. But to let it affect our friendship over politics? Hmm not worth it. Respect each other views as I respect yours. Lord God heal our Country! Let your Love reign,” dagdag ng aktres.